Kamay ng dalaga muntik nang natagpas sa kaaway ng nanay

Kamay ng dalaga muntik nang natagpas sa kaaway ng nanay

November 30, 2022 @ 2:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mapalad na hindi naputulan ng kamay ang isang dalaga nang salagin ang itak ng ginang na nakaaway ng kanyang nanay, kamakalawa sa Navotas.

Nananatiling nakaratay sa Philippine Orthopedic Center (POC) sanhi ng taga sa kanang kamay si Tricia Mae Lim, 22, ng Brgy. San Roque, habang sinampahan na ng kaukulang kaso ang suspek na si Ruby Acuña, 47, may-asawa ng Brgy. San Roque.

Bandang alas-5:45 p.m. nang magtalo ang nanay ng biktima at ang suspek sa Angeles Daungan 4, Brgy. San Roque, at umalis ang suspek ngunit pagbalik ay armado na ng itak.

Nang umawat ang biktima ay siya ang tinaga Acuña at tinamaan sa kanang kamay kaya’t isinugod sa Tondo Medical Center at kalaunan ay inilipat sa POC, habang sumuko sa mga pulis ang suspek. Merly Iral