Kambal may dalawang ama; ina nakipag-sex sa 2 lalaki sa isang araw.

Kambal may dalawang ama; ina nakipag-sex sa 2 lalaki sa isang araw.

September 10, 2022 @ 4:54 PM 2 weeks ago


BRAZIL – Nakakaintrigang balita ang gumulat sa mga netizen sa inilabas na ulat ng isang Brazilian news outlet.

Ang bagong silang na kambal kasi ng isang 19-taong gulang na babae ay may magkaibang ama.

Ayon sa dalagang ina na hindi na pinangalanan, nakumpirma niya ito nang magkaroon na siya ng agam-agam sa kung sino ang ama ng kanyang kambal.

Sa pamamagitan ng paternity test ng isa sa mga hinihinalang ama, napag-alaman na isa lamang sa kambal ang anak nito.

Dahil dito ay tinawagan naman ng babae ang isa pang lalaki na pinaghihinalaan niya ring ama ng isa sa kambal at sa pamamagitan ng DNA test ay doon nga nakumpirmang sa kanya naman ang isa sa kambal.

“I was surprised by the results. I didn’t know this could happen. They are very similar,” sa panayam ng Globo.

Bagama’t parang imposibleng magkaiba ang ama ng kambal, kinumpirma ng attending physician nito na si Dr. Tulio Jorge Franco na ang nangyari ay tinatawag na “heteropaternal superfecundation”, isang rare condition pero posible.

“This pregnancy happens when two eggs from the same woman are fertilized by different men. In this case, the genetic material of the parents is different and the eggs of the mother are also different. The babies develop together in the same pregnancy, but each one in its own placenta,” paliwanag ni Franco.

Ika-dalawampung kaso pa lamang ito na naitatala sa buong mundo.

Sa pagsisiwalat ng dalagang ina, nakipagsiping pala siya sa dalawang lalaki sa kaparehong araw. RNT/JGC