Kampanya ibinabala ng eksperto bilang ‘superspreader’ ng COVID

Kampanya ibinabala ng eksperto bilang ‘superspreader’ ng COVID

February 9, 2022 @ 11:35 AM 8 months ago


Nagbabala ang isang health reform expert at independent research group ukol sa mga aktibidad sa kampanya, tulad ng mga proclamation rally, na sinasabing maaaring maging “superspreader” ng COVID-19.

Sinabi ni Dr. Tony Leachon nitong Miyerkoles na hindi nasunod ang health protocols sa  ilang aktibidad na isinagawa sa unang araw ng election period.

Aniya, ang pagpapabuti ng sitwasyon sa Metro Manila at ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ngayong taon na naitala noong Martes ay maaaring mapawalang-bisa kung magpapatuloy ang mga paglabag sa buong 90-araw na campaign period.

“The increased mobility may be a problem in terms of surges. Based on what we saw yesterday, some of social distancing measures and protocols have been inadvertently violated. This may be a concern,” ani Leachon sa CNN Philippines. “This can be negated if the campaign period will usher in new cases because of mobility problem.”

Inihalintulad ni Leachon ang nangyaring COVID-19 surge sa India noong nakaraang taon kung saan pinaluwag ang restriksyon at dumami ang isinagawang religious activities.

Giit niya na dapat  maging mas maingat ang Pilipinas upang hindi ito magdusa ng parehong kapalaran habang papalapit ang halalan.

Binanggit niya na posible ang mga surge sa mga lugar sa labas ng Metro Manila, kung saan hindi pa mataas ang rate ng pagbabakuna, kung hindi mas masusubaybayan ang mga aktibidad ng kampanya.

Ipinunto din niya na nasa halos walong milyon pa lang ang natuturukan ng COVID-19 booster shot kumpara sa 59.8 milyong Pilipino na fully vaccinated na.

“Omicron would only respond to three doses. We will have a problem right now if we continue to do it,” aniya pa.

Samantala, ganito rin ang ibinabala ni OCTA Research fellow Guido David ukol sa tiyak panganib na maging “superspreader” ng COVID ang mga aktibidad sa kampanya, lalo na kung hindi sumusunod ang mga tao sa mga minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko at hindi nabakunahan.

Dahil sa panganib, sinabi ni David na maaaring mangyari ang mga spike sa mga kaso, ngunit hindi katulad ng naranasan noong Enero dahil “we have attained some level of population immunity…but not everyone will have gained that immunity, so there will be some people who could get infected, and who could get hospitalized if they are not vaccinated.” RNT