Kampanya kontra HIV, AIDS pinalakas ng DOH

Kampanya kontra HIV, AIDS pinalakas ng DOH

February 26, 2023 @ 4:54 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ginunita ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Healthy Pilipinas campaign ang pakikipagtulungan nito sa “FREE TO BE U” campaign sa pamamagitan ng ‘Festival of Luv’ na nagsusulong ng malusog na pag-uugali upang maprotektahan ang mga Filipino mula sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) at AIDS sa isang Pop-Up booth sa Katipunan, Quezon City.

Upang matiyak na namumuhay ng malusog sa pamamagitan ng pagiging
“U Equals U” o Undetectable Equals Untransmittable, ang mga taong may HIV (PLHIV) ay nangangailangan ng accessible at regular na HIV preventive at treatment services sa mga ito.

Sa ngayon, isa pa rin ang Pilipinas sa pinakamabilis na tumataas na bilang ng mga kaso ng HIV sa rehiyon ng Asia Pacific.

Noong Nobyembre 2022, ipinapakita ng datos ng epidemiology na mayroong average na (42) kaso ng HIV kada araw sa bansa.

Layon ng Festival of Luv na gawing masaya ang health literacy, at naglalayong itampok ang masaya ngunit nagbibigay-kaalaman na mga aktibidad sa pamamagitan ng mga concessionaire setup at performance mula sa mga nanalo sa Drag Den at Drag Race Philippines.

“We are thankful to the DOH for showing their strong support for PLHIV by partnering with the FREE TO BE U campaign during this event. The inclusion of Free to Be U in DOH’s comprehensive health education campaign Healthy Pilipinas is a major milestone that brings the country closer to the global goal of ending the HIV/AIDS epidemic by 2030,” sabi ni Teresita Marie Bagasao, Project Director of Epic Philippines.

“The DOH is an essential partner in our efforts to strengthen HIV service delivery in the country, which includes distributing the United States-donated HIV preventive 3 drugs PrEP and HIV viral load cartridges to the various government and community facilities throughout the country,” dagdag pa ni Bagasao. Jocelyn Tabangcura-Domenden