Kampanya kontra illegal gambling, mas pinalakas!

Kampanya kontra illegal gambling, mas pinalakas!

March 21, 2019 @ 3:12 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Mas pinalakas pa ang kampanya kontra illegal na sugalan sa bansa sa pamamagitan ng mutual agreement.

Sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Amusement and Gaming Corporation  (PAGCOR), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP) at office of cybercrime na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) na naglalayong  tugunan ang executive order 13 na magpapatibay sa laban kontra illegal gambling.

(C) Crismon Heramis

Layon din ng inter agency council na linawin ang jurisdiction at otoridad ng bawat concerned agencies sa pag regulate at pagbibigay ng lisensya sa gambling and online gaming facilities.

Ang office of the cybercrime ang mangangasiwa ng intel gathering, investigations and prosecution ng illegal online gaming activities.


(C) Crismon Heramis

Maari ring magbigay ng impormasyon ang naturang mga ahensya base sa kani-kanilang mandato gayundin mga impormasyon, mga developments sa mga kaso at kahit mag bigay ng manpower para sa mga intel operations, surveillance, raids, pag aresto at sa mismong prosekyusyon.

Ang PAGCOR naman ang siyang responsable sa operation control ng inter agency council at maging sa pagpondo ng mga proyekto nito bilang tumatayong central processing agency. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)