Kampanya laban sa maling balita, pinalakas ng PCOO

Kampanya laban sa maling balita, pinalakas ng PCOO

July 11, 2018 @ 3:51 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Patuloy na pinalalakas at pinaigting ng pamahalaan ang Dismiss Disinformation Campaign kontra dis-information at maling balita.

Ani Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na

nagagamit ang social media na magpakalat ng maling balita na puwedeng makasira sa isang ahensiya o sangay ng gobyerno.

Nagsisilbi kasing kalawang  sa lipunan ang pagkakalat ng maling balita.

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Andanar na sa pamamagitan  ng PCO. Net ay makakausap ang mga kabataan at mahihikayat ang mga ito na sumali sa Youth for Truth Organization na makakatuwang sa kampanya ng gobyerno hinggil sa pagpapakalat ng maling impormasyon. (Kris Jose)