Kampanya ng Zamboanga jail vs illegal na droga pinuri ng BJMP chief

Kampanya ng Zamboanga jail vs illegal na droga pinuri ng BJMP chief

February 1, 2023 @ 7:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni BJMP chief Jail Director Allan Iral ang anti-drug campaign ng Zamboanga City Jail Reformatory Center at ang pagpapalawak ng welfare and development programs sa pasilidad.

“We take cognizance of the intensified anti-drug campaign and welfare programs for persons deprived of liberty in our biggest facility in Western Mindanao,” saad ni Iral.

“These efforts are important especially in large facilities like Zamboanga City Jail,” dagdag pa ng BJMP Chief.

Matapos maitala ang pinakamalaking joint OPLAN Linis Piitan operation, kasama ang 338 operatiba mula sa Zamboanga City Police Office, PNP-SAF 5th Special Action Battalion, PDEA Zamboanga, BFP Zamboanga at Zamboanga City Disaster Risk Reduction Management Office kung saan may kabuuang 575 piraso ng ilegal na kontrabando ang nakumpiska at muling nakapagtala ang pasilidad ng isa pang panibagomg rekord sa kampanya laban sa droga.

Nagbunga ng negatibong resulta ang pagsasagawa ng surprise drug test ng PDEA Region-IX sa lahat ng unit personnel at 444 na random na napiling PDL kasama ang kanilang mga cell leaders.

“We will continue the conduct of surprise drug tests among personnel and to randomly select PDL who will undergo the test to make sure that our facility is drug-free,” pahayag ni Zamboanga City Jail Reformatory Center warden Jail Superintendent Xavier Solda.

“We have a solid stance against illegal drugs and other forms of contraband kaya hindi po kami magpapatinag dito,” ayon pa kay Solda.

Samantala, 72 PDL ang pinalaya mula sa pasilidad sa pamamagitan ng pinaigting na paralegal support service sa Zamboanga City Jail para sa Buwan ng Enero.

“We are hoping that more than a hundred more will be released in the next two weeks as we continue our coordination with the courts to decongest our facility which is now 1,064% congested,” paliwanag pa ng warden

“Katulong namin ang LGU ng Zamboanga, pagsisikapan po naming mapagbuti ang sitwasyon ng mga PDL dito sa aming mga programa,” sabi pa ni Solda.

Inilunsad kamakailan ng reformatory center ang Green Zamboanga Project na naglalayong magtatag ng jail nursery para sa mga seedlings ng gulay sa pasilidad bilang pagkukunan ng kita ng PDL bukod pa sa mga bagong likhang livelihood program sa pasilidad.

Sa usapin at suportang pangkalusugan, patuloy na sinusubaybayan ng pasilidad ang may sakit at malnourished na PDL kabilang ang mga senior citizen na naka-enroll sa ilalim ng Facility Nutritional Support Program. Jan Sinocruz