Kampanya vs krimen, terorismo pinalakas ng NCRPO

Kampanya vs krimen, terorismo pinalakas ng NCRPO

September 15, 2020 @ 4:30 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sa harap ng patuloy na pananalasa ng pandemya sa bansa, hindi ito naging hadlang sa National Capital Region Police Office upang palakasin ang kampanya laban sa terorismo.

Inilunsad ni NCRPO director, P/MGen Debold Sinas ang “Shock and Awe” operation sa Metro Manila upang makapagpatupad ng kaligtasan ukol sa lahat, police visibility at panelling operations na layong pigilan ang masamang tangka at terorismo na planong ilatag ng mga kalaban ng pamahalaan.

Bago ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Kamaynilaan na tumagal din ng halos dalawang buwan, nakapagsagawa ng 4,252 operations ang NCRPO kung saan nakasamsam ng 199 unexploded explosives habang nabawi naman ang 14 na kaparehang pampasabog sa kabuuang 2,872 operasyon makalipas ang pagpapatupad ng ECQ.

Sinabi ni Sinas, ang patuloy na operasyon ng NCRPO kaugnay sa “Shack and Awe” ay makapagpapanatiling ligtas sa mamamayan sa lahat ng klase ng kriminalidad kaya naman mas lalong pinatatag ang Regional Explosive Ordnance and K9 Unit.

Ayon sa hepe ng NCRPO, bahagi ng pagpapalakas ng NCRPO EOD and K9 Unit ang pagsasanay at pagtatalaga sa 40 bomb sniffing dogs at apat na narcotics sniffing dogs na itinatalaga sa vital installations sa Metro Manila katulad ng mga linya ng transportasyon, paliparan, daungan, bus terminals at mga pamilihan.

Idinagdag pa ni Sinas na bukod sa bomb sniffing dogs, mayroon din silang remote controlled vehicles at bomb baskets na magbibigay kasiguruhan sa kaligtasan sa pagpapasabog (detonation) ng bomba sa Shock and Awe operations. Lea Botones


  •  
  •  
  •  

Loading...