Kampeonato target ni Eala Spain tournament

Kampeonato target ni Eala Spain tournament

January 18, 2022 @ 2:41 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Isang panalo na lang at makapapasok na si Filipina teen tennis sensation Alex Eala sa main draw ng women’s $25,000 event ng Rafa Nadal Academy World Tennis Tour sa Manacor, Spain.

Tinalo ni Eala si Mia Chudejova ng Slovakia, 7-6, 6-3, sa ikalawang round ng qualifying draw noong Lunes, Enero 17.

Ngunit makakaharap niya ang mahigpit na kalaban kay Alice Rame ng France, na seeded No. 1 sa qualifying draw. Ang 24-taong-gulang ay nasa No. 375 sa Women’s Tennis Association, habang si Eala ay kasalukuyang nasa No. 526.

Ang 16-anyos na Pinay ay naghahanap ng isa pang year-opening professional title matapos niyang manalo sa kanyang unang women’s tournament sa parehong tour noong 2021. Maglalaro din siya sa kanyang home court sa Rafa Nadal Tennis Academy.

Umaasa si Eala na makapasok sa main draw habang nagpapagaling  siya mula sa injury sa paa na natamo niya pagkatapos ng 2021 US Open. Bumalik siya sa tennis action sa women’s $25,000 tournament sa Czech Republic noong Nobyembre.

Tinapos niya ang kanyang 2021 season sa doubles quarterfinal ng Orange Bowl Junior Championships.

Ang Pinay tennis ace, na tututukan ang kanyang propesyonal na karera, ay malamang na hindi madepensahan ang kanyang junior Grand Slam title defense sa Australian Open.

Napanalunan niya ang kanyang maiden Grand Slam title sa 2020 Australian Open juniors doubles tournament kasama ang Indonesian na si Priska Nugroho. Nanalo si Eala sa kanyang pangalawang Slam sa 2021 French Open girls doubles event kasama si Russian Oksana Selekhmeteva.JC