Kampo ng Maute-ISIS sa Lanao del Sur, nakubkob na ng militar

Kampo ng Maute-ISIS sa Lanao del Sur, nakubkob na ng militar

June 19, 2018 @ 5:38 PM 4 years ago


 

Lanao Del Sur – Tuluyang nakubkob na ng militar ang kampo ng Maute-ISIS terrorist group sa Lanao Del Sur kung saan limang terorista ang napatay sa huling yugto ng pina igting na operasyon ng militar.

Partikular ang bayan ng Tubayawan ang target ng operasyon kung saan huling namataan ang bagong talagang “Emir” ng Islamic State sa Southeast Asia na si Abu Dar.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., Deputy Commander ng Joint Task Force-Ranao, nasa 30-miyembro pa ng Maute ang tinutugis ng militar kabilang ang lider na si Dar.

Nakita na umano ng tropa ang ginawang bunker ng Maute na may mga naitayong tower, mga foxholes kung saan narekober sa lugar ang malaking bulto ng mga bala.

Kasalukuyang kinordon ng mga awtoridad ang lugar para siguruhing hindi makakarating ang anumang pagsiklab ng kaguluhan sa labas ng probinsya.

Una na kasing nakatakas si Dar at natitirang  miyembro nito mula sa Marawi sa kasagsagan pa lamang ng giyera sa lugar.

Nasa mahigit kumulang 1,500 indibidwal o mahigit 700 pamilya ang nagsilikas dulot ng sagupaan sa Tubayawan. (Jeff Gallos)