Kampo ng NPA, nakubkob ng militar; 2 rebelde utas; armas at subersibong dokumento narekober

Kampo ng NPA, nakubkob ng militar; 2 rebelde utas; armas at subersibong dokumento narekober

June 20, 2018 @ 3:15 PM 4 years ago


 

Butuan City – Utas ang dalawang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) kasabay ng pagkakakubkob ng militar sa kanilang kampo sa Butuan City kahapon.

Bukod sa mga nasawi, isang AK-47 assault rifle at labing dalawang bag mula sa NPA ang narekober.

Pinangunahan ng isang platoon mula sa 23rd Infantry Battalion ng Philippine Army ang pag-secure ng narekober na campsite ng mga rebelde na kung saan sinasabing nakakapag-okupa ito ng may animnapung katao.

Ayon kay Brig. General Franco Nemesio Gacal, ang commander ng 402nd Brigade, base sa mga ipinaparating na report ng mga sibilyan, nagsasagawa umano ng pangingikil ang mga rebelde sa lugar na dahilan upang ikasa ang operasyon.

“There were no casualties on our troops while two NPAs were reportedly killed in the said encounter. We are still verifying the report with some locals”, pahayag ni B/Gen. Gacal.

Sinabi naman ni LTC. Francisco Molina Jr., commander ng 23rd Infantry Battalion, nasa mahigit 30 komunistang NPA na sinasabing mula sa Guerilla Front 4A ang siyang nakasagupa ng tropa sa bulubunduking bahagi ng Sitio Migragang pasado alas 7 ng umaga. (Jeff Gallos)