Kampo ng respondents sa Dacera case, duda sa karagdagang ebidensya ng PNP

Kampo ng respondents sa Dacera case, duda sa karagdagang ebidensya ng PNP

January 14, 2021 @ 6:50 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Duda ang respondents sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa mga ilalabas pang ebidensya ng pulisya.

“Sa palagay namin, any evidence after the for further investigation ng fiscal ay tampered na. Nakakaduda na,” lahad ni Atty. Abigail Portugal.

“Ang sinubmit lang namin, para ma-correct yung sa unang statement. Ngayon, kung magdadagdag sila, magsu-supplemental kami.”

Maaalalang binawi ni JP Dela Serna ang nauna nitong testimonya na noong Enero 1 tungko sa powder drugs.

Sa bagong affidavit, iginiit ni Dela Serna na pinilit siya umano ng Makati Police na sabihin ito kasabay ng pananakot na maaari siyang mabulok sa bilangguan.

“The next day, pinipilit silang pinapirma. Tapos, yun pala may dinagdag sa statement. Yung una, hindi sila nag-point ng any person. Then, on the second day, Jan. 2, pinipilit na sila, kino-coerce na kapag hindi sila magturo ng isang tao in relation to drugs, mabubulok sila sa bilangguan,” depensa ni  Portugal.

“Ayon sa mga kliyente ko, hindi daw sila binasahan ng Miranda Rights nila. Violation talaga kasi basic ‘yan.”

Sa kabila nito, nakahanda naman aniya silang sagutin ang anumang karagdagang ebidensiya na maaaring ipipresenta ng pulisya.

“Actually, yung kahapon, supposedly magsa-submit din sila ng additional evidence. Ang nangyari, nagpa-extend na naman, yung PNP magpo-produce sa Jan. 27.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...