Kampo ni Alvarez sa Kamara, lipat-bahay na

Kampo ni Alvarez sa Kamara, lipat-bahay na

July 24, 2018 @ 5:56 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ng kampo ni dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na hindi sila aanib sa liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at aanib sa minority bloc.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali nag-concede na ang kanilang grupo sa bagong House Leadership dahil ang katotohanan ay sila na ang may hawak ng majority kaya hindi na nila ipipilit ang kanilang posisyon na tiyak na magdudulot lamang mg pagkawatak-watak sa Kamara.

“We are trying to be objective here. We don’t want to be obstructionist. We don’t want to obstruct development. We continue to support President’s advocacies,”paliwanag ni Umali.

Kabilang umano sa Alvarez Bloc na sasama sa Minority Bloc ay sina Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, Southern Leyte Rep. Roger Mercado at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.

Si Farinas ang siya namang napipisil na tumayong Minority Leader. (Gail Mendoza)