Kampo ni Bea, kakasuhan si Lolit?

Kampo ni Bea, kakasuhan si Lolit?

October 17, 2022 @ 10:18 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Bahagi pa rin ng exclusive interview ng PEP kay Shirley Kuan ang tanong kung posible bang humantong sa demandahan ang isyu sa kanila ni Lolit Solis.

Si Shirley ang tumatayong manager ni Bea Alonzo na lagiing binibira ni Lolit sa kanyang dalawang tabloid column.

Kung susumahin, ayon kay Shirley ay may siyam na buwan na raw itong nangyayari.

Tanong ng PEP associate editor since may binabanggit si Lolt tungkol sa lawyer, sa tingin ba ni Shirley ay posibleng umabot sa demandahan ang isyu sa pagitan ng kanyang alaga at ni Lolit?

Ani Shirley, totoo raw na kumunsulta siya sa abogado.

Kaso, hindi raw pumirma si Bea sa mga dokumento.

Aware daw ang aktres na may health condition na pinagdadaanan si Lolit.

Katwiran ng aktres, paano raw kung may mangyaring hindi maganda kay Lolit?

Siya lang daw ang lalabas na masama kapag nagkaganoon.

Dahil sa pagtanggi ni Bea na idaan sa legal na hakbang ang lahat ay pinuri siya ni Shirley.

Maging ang may-ari raw ng kumpanya ng mga produktong ineendorso ni Bea ay pinuri rin siya.

Patunay lang daw ‘yon sa kagandahan ng loob ng aktres.

Samantala, iginiit ni Shirley na ang patuloy na pag-atake ni Lolit ay validation lang ng kanyang mga sinasabi all along, na isang bully ang kapwa manager.

Sa kanyang kolum, inalmahan ni Lolit ang bansag sa kanya dahil siya raw itong binu-bully.

Hanggang saan kaya ang lalakbayin ng away na ito? Ronnie Carrasco III