Kampo ni Cusi walang nakikitang problema sa pagharap sa Malampaya probe

Kampo ni Cusi walang nakikitang problema sa pagharap sa Malampaya probe

December 9, 2021 @ 8:19 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang nakikitang problema ang abogado ni Energy Secretary Alfonso Cusi kung magpapartisipa man ang kanyang kliyente sa imbestigasyon ng mga senador sa kontrobersiyal na pagbebenta ng shares ng Malampaya.

“Hindi namin napag-usapan ‘yan pero kung makakatulong, I don’t see why he should refuse,” ayon kay Atty. Ruy Onderain, abogado ni Cusi.

Nauna rito, sinabi ng mga senador na ang libel complaints nina Cusi at Davao businessman Dennis Uys laban sa ilang mamamahayag at media organizations na nagbalita ng graft complaint laban sa mga Cabinet official, Uy, at iba pa ukol sa kasunduan ay nakapagbigay lamang ng maraming dahilan para imbestigahan ang mga ito sa transaksyon.

Matatandaang sinabi ni Cusi sa mga mambabatas na ang state-run PNOC-EC — na may hawak ng 10% ng Malampaya’s shares — ay sinisipat na ang implikasyon ng pagbili sa Chevron’s stake subalit nagdesisyon na “it was too risky.”

Ang Udenna Corp. ni Uy ay napanatili naman ang legalidad ng kasunduan na may kaugnayan sa pagbebenta ng Chevron’s 45% stake sa natural gas facility.

Nagawa rin ng kompanya na mai-secure ang isa pang 45% stake ng Malampaya matapos bilhin ang Shell Exploration BV’s shares —dahilan para ang total ownership sa natural gas project ng Udenna ay 90%. Kris Jose