Kampo ni Dingdong, may warning sa scammers!

Kampo ni Dingdong, may warning sa scammers!

October 31, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Walang dapat ikabahala ang mga tagatangkilik ng Family Feud hosted by Dingdong Dantes.

Extended kasi ang airing nito beyond December.

Marami kasi ang umaasa na either maging contestant sila sa daily game show na ito or maging bahagi ng live audience.

Related to this, nag-isyu ng babala ang management office ni Dingdong na PPL dahil naglipana ang mga scammers.

Ang modus operandi ng mga scammer ay manghingi ng pera for the show.

Mangyaring huwag maniwala o magpabudol sa mga scammer dahil tanging ang GMA lang ang awtorisadong mag-transact ng business na may kaugnayan sa naturang programa.

Samantala, nahingan si Dingdong ng kanyang take sa balak na i-ban ang mga K drama sa bansa.

Masasabing authority si Dingdong tungkol sa usapin, having starred in a number of Pinoy adaptations of Koreanovelas.

The last he appeared in ay ang Descendants of the Sun.

Ayon sa aktor, magsilbi sanang inspirasyon ang economic framework ng Korean government.

Pero pagdating daw sa creative aspect, huwag kokopyahin.

In a sense ay sang- ayon siya sa posisyon ni Senator Jinggoy Estrada. Ronnie Carrasco III