Kampo ni Marcos aapela sa SC sa disqualification cases

Kampo ni Marcos aapela sa SC sa disqualification cases

May 20, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Isusulong ng kampo ni leading presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr ang pagbasura sa disqualification cases laban sa kanya sa Korte Suprema, ayon sa abogado niya nitong Biyernes.

Ipinag-utos ng korte kay Marcos Jr, Commission on Elections, at Senado Senate at Kamara na magbigay ng pahayag sa loob ng 15 araw sa isang petisyon para sa certiorari na inihain ng grupo ng civic leaders na humihirit na i-overturn ang desisyon ng Comelec na bumabasura sa kanilang apela na ikansela ang certificate of candidacy ni Marcos.

Nakasaad dinsa petisyon ang apela na maglabas ng temporary restraining order (TRO) upang ipatigil ang canvassing ng mga boto at proklamasyon ng frontrunner na si Marcos.

“A comment is required to be filed on the petition. Therefore in the comment we will be asking for the dismissal of the petition,” ani Attorney Estelito Mendoza.

“The issue of disqualification was ruled upon by a Comelec division, later on it was ruled upon Comelec en banc, so there are already 2 rulings confirming the qualification of Bongbong Marcos,” pahayag pa niya.

Iginiit din ni Mendoza na walang hurisdiksyon ang Korte Suprema na maglabas TRO upang ipatigil ang canvassing ng nga boto kay Marcos at kanyang proklamasyon.

“That is extremely stated in the SC resolution that the TRO is denied. I believe that the SC resolution states that the prayer is denied,” giit niya. RNT/SA