Kampo ni Robredo nagpasalamat sa prexy bets sa paglilinaw ng plano sa Halalan 2022

Kampo ni Robredo nagpasalamat sa prexy bets sa paglilinaw ng plano sa Halalan 2022

April 17, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinasalamatan ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez nitong Linggo ang ilang presidential candidates “for making political alignments even clearer” sa pangako nila na itutuloy ang pagtakbo sa eleksyon hanggang dulo.

Inihayag ni Gutierrez na nagpapasalamat sila na nilinaw ng mga ito ang kanilang plano at tutuon na ang kampo ni Robredo para ipakita sa mga Pilipino na magwawagi sila sa presidential bid nito.

Ilang presidential candidates nitong Linggo ang nag-anunsyo ng kanilang intensyon na magkaisa sa kanilang presidential bids.

“With three weeks to go before election day, we are at a time of great momentum for our People’s Campaign, and increasing clarity as regards which candidates can count on the people’s support when they enter voting booths on May 9,” ani Gutierrez.

Sinabi niya na lahat ng kandidato ay maaaring ituloy ang kani-kaniyang kandidatura hanggang huli, gaya na rin ng kanilang opsyon na balewalain ang surveys, rally attendance, endorsements, o iba pang pamantayan ng suporta.

“We wish every candidate who decides to push through to the end, only the best,” pahayag ni Gutierrez.

Subalit dagdag niya, “In making these choices, should we not ask ourselves: Must this assertion be made through bluster and falsehood?” Who benefits from such theatrics? What is best for the Filipino people? Perhaps, silence would have had more depth; at the very least, it would exhibit less self-entitlement, fragility, and toxicity.” 

Matatandaang nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo na iurong na ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente, at sinabing tumakbo lamang ito upang mapigilan na makabalik ang pamilya Marcos sa Malakanyang.

Binigyang-diin din niya na dapat gawin ni Robredo ang “supreme sacrifice” upang matalo ang frontrunner sa presidential surveys na si former Senator Ferdinand Marcos Jr. RNT/SA