Kampo ni Saludar, humirit sa WBA

Kampo ni Saludar, humirit sa WBA

January 26, 2022 @ 2:28 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Pormal na hiniling sa World Boxing Association (WBA) ng Championship Boxing Development Philippines, promoter ni Pinoy fighter at dating WBA Minimumweight Champion Victorio ‘Vic’ Saludar III, na maging top contender ang dating kampeon sa magwawagi sa pagdepensa ni Erick Rosa ng Dominican Republic sa WBA title laban kay Thai Thammanoon Niyomtrong.

Sa sulat ni CBDP president Mr. Kenneth Ralph Rontal at may basbas ng Games and Amusements Board (GAB) na may petsang Enero 11, 202 kay WBA president Gilbert Jesus Mensoza, iginiit ng Pinoy promoter na tangan ni Saludar ang pagiging rated No.1 sa naturang dibisyon ng WBA kung kaya’t marapat lamang na makamit ng Pinoy ay pagkakataon na mabawi ang korona.

“Therefore, may we request to be the next challenger on the winner of WBA Superchampion Thammanoon Niyomtrong of Thailand versus WBA World Champion Erick Rosa of Dominican Republic. We are currently WBA rated no. 1. We will actively participate in another competitive bout early this year for us to be highly credible to challenge the winner of Mr. Niyomtrong and Mr. Rosa bout.

“WBA is long and still highly recognized by our Games and Amusement Board with integrity and fair.
We are hoping for your immediate and positive approval on this matter very soon,” ayon kay Rontal.

Sa naturang sulat, inilarawan din ni Rontal ang pagkadehado ni Saludar sa pagdepensa niya sa titulo laban kay Rosa nitong Disyembre 21 sa Santo Domingo, Dominican Republic.

Iginiit din ng kampo ni Saludar na natanggap na nito ang kabuuang premyong US$35,000.

Matatandaang sinulatan ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang WBA matapos malaman ang sinapit ni Saludar. Nagbigay pa ng babala si Mitra na hindi na papayagang lumaban ang iba pang Pinoy sa lahat ng WBA-sanctioned event kung mabibigong maayos ang isyu sa dating kampeon.Rico Navarro