Kampo ni Sister Fox, umapela sa deportation order ng BI

Kampo ni Sister Fox, umapela sa deportation order ng BI

July 23, 2018 @ 12:36 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Umapela ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox laban sa deportation order sa kanya ng Bureau of Immigration (BI).

Sa inihaing motion for reconsideration ng kampo nina Fox kanina, iginiit nilang walang nilalabag na batas ang madre sa kanya umanong pagsali sa political activities.

Sa inilabas na deportation order noong nakaraang linggo, sinabi ng BI na undesirable alien ang 71-year-old na madre dahil sa paglabag nito sa mga kondisyon sa kanyang missionary visa.

“In the Resolution, the Honorable Office has essentially stated that since the President  has already spoken, the officials of the Honorable Office, under the doctrine of qualified political agency or alter ego principle, have to abide by the statement of the President,” ayon sa apela ng kampo nina Fox.

“With due respect, that is wrong. To sanction that argument would be to state that decisions should be based on the public pronouncement of the President  irrespective of the merits of the case and the arguments of the parties,” dagdag pa nito. (Remate News Team)

Nag-file ang kampo ni Sis Patricia Fox ng motion for reconsideration (MR) sa deportation order sa kanya ng Bureau of Immigration.(BI) kasama ang kanyang mga tagasuporta sa Intramuros Maynila  Kuha ni Jhun Mabanag