‘Kanang-kamay’ ni Pope Francis may COVID

‘Kanang-kamay’ ni Pope Francis may COVID

January 19, 2022 @ 9:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 ang top diplomat ng Vatican at adviser ni Pope Francis , na si Cardinal Pietro Parolin, ayon sa tagapagsalita ng Holy See nitong Martes

Ang 67 taong gulang na Cardinal bilang kalihim ng estado ay ang pangalawa pagkatapos ang Papa ay kasalukuyang naka-isolate at nagpapakita ng lamang ng “mga banayad na sintomas,”ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni

Maging si Venezuelan archbishop, Edgar Pena Parra, ang Vatican’s deputy secretary of state, ay nagpositibo rin pero asymptomatic ayon pa kay Bruni.

Ang dalawa ay kapwa bakunado na laban sa COVID-19.

Si Pope Francis, na 85 taong gulang na at bakunado ay madalas nakikipagkita kay Cardinal Parolin, na itinuturing na kanang kamay ng pontiff.

Ang Santo Papa ay isang masugid na tagapagtaguyod ng pagbabakuna ngunit na lumalabas nang walang facemask sa harap ng maraming tao at hindi nag-atubiling makipagkamay sa mga mananampalataya at magpakuha ng litrato.

Mula noong Enero 10, ipinag-uutos para sa lahat ng empleyado ng Vatican na magsuot ng FFP2-type mask.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)