Kandidato sa pagka-mayor sa La Union, umatras

Kandidato sa pagka-mayor sa La Union, umatras

May 7, 2022 @ 12:00 PM 2 months ago


LA UNION-Isa sa tatlong kandidato sa pagka-mayor sa San Fenando City ng lalawigang ito ang iniatras ang kanyang kandidatura tatlong araw bago ang May 9 national and local elections.

Iniatras ni Jose Pepe Ortega  ang kanyang kandidatura nang walang binabanggit na anumang dahilan.

Dahil sa pag-atras nito, dalawang kandidato na lamang ang maghaharap sa mayoral race. Ang dalawang kandidatong ito ay  sina incumbent Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto at incumbent Governor Francisco “Pacoy” Ortega III. Rolando S. Gamoso