Kanlaon nag-alburoto, 13 pagyanig naitala

Kanlaon nag-alburoto, 13 pagyanig naitala

October 21, 2022 @ 7:43 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nag-alboroto ang bulkang Kanlaon makaraang makapagtala ng labingtatlong (13) volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig ay nakataas ang alert level 1 sa paligid ng naturang bulkan.

Nabatid pa sa ahensya na namataan din ang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan at ang bahagyang pamamaga sa paligid nito.

Sinabi pa na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.

Dagdag pa rito, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anuman uri ng eroplano malapit sa tuktok ng bulkan.

Ang bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental na isa sa apat na bulkan sa bansa na may nakataas na banta o alert level. Santi Celario