Kanlaon niyanig ng 12 beses

Kanlaon niyanig ng 12 beses

September 16, 2022 @ 6:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang bulkang Kanlaon habang naitala ang 12 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pagyanig naitala rin ang pagbuga ng usok sa bunganga ng bulkan.

Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng sino man.

Inirerekomenda rin ng ahensya ang pagbawal sa pagpapalipad ng eroplano malapit sa bulkan dahil sa banta ng paulit ulit ng pagputok nito.

Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental dahil sa nakalipas na pag-aalboroto nito. Santi Celario