Kano na nag-viral sa socmed, inaresto

Kano na nag-viral sa socmed, inaresto

March 13, 2023 @ 4:41 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ipinahayag ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na naaresto ng kanilang mga ahente ang isang American national na nag-viral sa social media sa isang video na kinukulit at aatakehin ang isang delivery rider sa Cebu City.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ng mga operatiba ng BI Intelligence Division si Phillip Justin Bean, 43, sa loob ng kanyang hotel sa Brgy. Day-as, Zapatera, Cebu City noong Marso 1.

Nag-isyu ng mission order si Tansingco sa pag-aresto kay Bean dahil sa pagiging over-staying nito ng ilang taon.

Sa rekord, Abril 7, 2022 ang huling extension ni Bean kaya maituturing na ito na overstaying ng 11 buwan.

“He has no right to verbally and physically abuse a Filipino.  His actions show that he is abusing the hospitality of our country.  He should be deported for being an undesirable alien,” ayon kay Tansingco.

Kasama rin ang pangalan ni Bean sa immigration blacklist at bawal na siyang bumalik ng Pilipinas.

Nalaman din na si Bean ay nagtratrabaho bilang duty Manager sa Cebu City kung saan wala itong working permit. JAY Reyes