Kanong gumulpi sa 67-anyos na Pinay kinasuhan ng ‘attempted murder’

Kanong gumulpi sa 67-anyos na Pinay kinasuhan ng ‘attempted murder’

March 17, 2022 @ 8:35 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nasa mabuting kalagayan na ang 67-anyos na Pinay na pinaggugulpi ng isang lalaki sa New York.

Samantala, sinampahan na ng kasong frustrated murder o tangkang pagpatay ang suspek sa panibagong kaso ng Asian hate crime sa tate.

Ayon sa Philippine Consulate General sa New York na nakausap na nila ang kaanak ng biktima.

“We were informed that her mother is in stable condition and could be discharged anytime. Kasi Friday pa siya na-hospitalized as the result of the injuries she sustained that included the bleeding and facial and head fractures,” ani Philippine Consulate General sa New York Consul General Elmer Cato.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at mukha ang biktima dahil sa mga sipa at suntok na inabot nito sa suspek nang higit sa 100 beses.

Kinialala naman ang 42-anyos na suspek na si Tammel Esco, na kinasuhan ng attempted murder at assault bilang hate crime.

Kinondena naman ng ilang opisyal ng Asian American Democratic Committee, mga mambabatas, at Yonkers Mayor Mike Spano ang nangyaring insidente. RNT