Kanta ng SB19, ginawa mula sa puso!

Kanta ng SB19, ginawa mula sa puso!

October 18, 2020 @ 1:52 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Hindi na talaga paaawat ang K-Pop sa Pinas lalo’t sa lahat na yata ng panig ng bansa ay iniidolo ang mga grupong BTS at Blackpink.

Dito sa Pinas ay meron tayong SB19 na binubuo ng 5 kabataang Pinoy at very much inspired from K-Pop culture.

Kabilang dito sina Ken as the main dancer at vocalist, Josh bilang lead rapper, Justin bilang vocalist, Sejun bilang leader, main rapper at lead vocalist, at si Stell bilang main vocalist at lead dancer.

Matindi ang pinagdaanan ng grupo bago sila sumabak sa entablado dahil inabot ng halos 3 taon silang nagpa-parctice.

Sabi nga, matira ang matibay sa lima.

Tuloy lang ang pangarap ng grupo kahit na dumating sila sa punto na gusto na nilang bumItaw dahil sa matinding training.

Hindi kataka-taka na sa kabila ng higpit ng kompetisyon sa K-pop culture ay inidolo pa rin ng masa ang SB19.

Halos lahat ng kanta nila ay sumikat nang husto at humakot pa ng awards.

Ang ilan sa mga kanta ng grupo ay ang ‘Go Up,’ ‘Alab,’ ‘Tilaluha,’ ‘Love Goes,’ ‘Wag Mong Ikunot Ang Iyong Noo,’ at ‘Hanggang sa Huli.’

Ang latest single ng SB19 ay ang ‘Ikako’ na sadyang ginawa para mga frontliners na patuloy na lumalaban sa Covid 19.

Ano naman ang ikinaiba ng SB19 sa ibang boy band mula sa Korea bukod sa sila ay pawang mga Pinoy?

“Every country has their own culture of pop.

“What differs us from other countries is the soul we put in it. Everything that we’ve experienced in life, everything that influences us as an artist, our culture, our language, that’s what we as SB19 put into our music, and we want to show that to the world,” ani ng lider ng grupo na si Sejun. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...