Kantang “Anak” ni Freddie Aguilar, 40 years nang namamayagpag

Kantang “Anak” ni Freddie Aguilar, 40 years nang namamayagpag

June 25, 2018 @ 8:59 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – This year ay sini-celebrate ng mang-aawit na si Freddie Aguilar ang ika-40th year ng kanyang kantang “Anak” na naging worldwide hit at ginawa pa ng maraming version around the world.

You can just imagine, sa “Anak” pa lang ito huh? eh kung idagdag pa natin yung mga naunang taon pa ni Ka Freddie bilang singer sa Olongapo kaya masasabi nating mahigit forty years na siyang musikero.

May mga international tour si Ka Freddie in connection sa Forty Years sa pagkaka-likha ng kantang “Anak” na naging life-changing for him. Sa totoo lang, ang haba ng life span nang pagiging mang-aawit ni Freddie na mahirap nang maduplika ng mga bagong mang-aawit. Never siyang nahinto sa pag-awit.

Noong isang gabi, sa kanyang music bar na Ka Freddie na matatagpuan sa Tomas Morato, doon sinilebreyt ng isa pang mang-aawit, si Emma Cordero ang kanyang kaarawan.

Opening number ni Emma ay ang kanta ni Ka Freddie na “Anak” pero in Japanese. Maraming bisitang Hapon si Emma kaya tuwang-tuwa ang mga ito at sinasabayan nila si Emma habang kumanta.

Hindi na tinapos ni Emma ang kanta dahil later on, alam niyang kakantahin ito ni Kaka na siyang finale sa gabing iyon kasama ang kanyang Watawat Band.

Sunod na kinanta ni Emma ay ang “Amazing Grace”, “I Will Survive” at mga kanta ni Whitney Houston at ilan pang kanta na sarili niyang composition.

Hindi na kinanta ni Emma ang kanyang oldies but goodies na medley songs.

Present rin sa gabing iyon ang grand winners (male and female) ng VOAA (Voice Of An Angel) isang award-giving body na tinatag ni Emma na ginaganap niya taon-taon sa Fukuoka, Japan.

May mga guest performers rin si Emma gaya ng Sulivan Brothers, Jack En Poy, Alon at iba pang mga baguhang singers.

Nang si Ka Freddie na ang nag-perform ay kitang-kita sa mga bisita ni Emma (foreigners) ang kanilang paghanga kay Freddie. Kahit hindi nila kabisado ang lyrics ng kanyang mga kanta ay sinasabayan nila.

Gustung-gusto ko ang mashed-up ni Ka Freddie ng kanyang kantang “Anak” at “Alaala”. First time ko narinig ang extended version ni Ka Freddie ng “Anak” kung saan ang Anak ay naging ama na rin na minash-up-an naman niya ng “Alaala” na kuwento naman tungkol sa Ama ni Freddie na kanyang naalala na tutol sa kanyang pagiging musikero at nang magkita sila , ito ay bangkay na.

Kasa-kasama palagi ni ka Freddie ang kanyang  anak na si Jericho sa tuwing may pagtatanghal ito.

Masayang-masaya ang birthday celebrant dahil dumating ang kanyang pamilya, mga kaibigan sa Japan

 

Timmydora ni Timmy Basil