Kanye West tatakbong Presidente ng Amerika

Kanye West tatakbong Presidente ng Amerika

July 6, 2020 @ 9:10 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ibinalita sa Twitter world ni rapper Kanye West na tatakbo siyang presidente sa 2020 US election upang tapatan at banggain si incumbent President Donald Trump.

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future,” ang tweet ni West.

“I am running for president of the United States! #2020VISION.”

Ginawa ni West ang kanyang tweet, isang araw matapos ibalita ang kanyang bagong kanta at ilalabas na album na may titulong “God’s Country.”

Agad namang nagpahayag ng pagsuporta kay Kanye ang kanyang mga tagasuporta.

Isa ring business mogul, si Kanye ay palaging maririnig sa kanyang mga promosyon na nagsasalita tungkol sa pulitika.

Bagama’t nagsabi na ng kanyang intensyon, hindi pa aktuwal na nakikita ang rapper para ikampanya ang sarili sa darating na halalan.

Apat na buwan na lamang bago ang eleksyon, kailangan munang magrehistro ni West sa Federal Election Commission, magprisinta ng kanyang palataporma, kumolekta ng sapat na pirma para mapabilang ang kanyang pangalan sa balota sa Nobyembre.

At ang totoo, hindi na siya umabot sa deadline para maghain bilang independent candidate sa maraming estado sa Amerika.

Gayunman, nakuha ni West ang isa sa pinakamalaking endoroso ng isa sa pinakamayamang tao sa US–si Tesla CEO Elon Musk.

“You have my full support!” ang tweet ni Musk.

Maging ang kanyang misis na si Kim Kardashian ay nag-tweet hinggil sa kanyang pagtakbo sa pamamagita ng emoji na American flag. RNT/NCTaboy


  •  
  •  
  •  

Loading...