Kapabilidad ng PAF palalakasin ng bagong ‘Black Hawk’ choppers

Kapabilidad ng PAF palalakasin ng bagong ‘Black Hawk’ choppers

December 6, 2021 @ 11:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Mas palalakasin ng mga bagong ‘Black Hawk’ combat utility helicopter ang lift and transport capabilities ng Philippine Air Force (PAF).

Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang Facebook post nitong Linggo, Disyembre 5.

“Five brand new Sikorsky 70i BlackHawk helicopters were welcomed into our air fleet last 03 December, completing the delivery of 16 units. These five new helicopters will further improve the lift capability of the PAF to support various operations of the Armed Forces of the Philippines (AFP),”

Dagdag pa ni Lorenzana, kitang-kita umano ang epekto ng nagpapatuloy na hakbang ng modernization sa AFP.

Kamakailan ay pormal na itinurn-over ni Polish Chargé d’affaires Jaroslaw Szczepankiewicz ang limang helicopter kay PAF chief Lt. Gen. Allen T. Paredes sa Clark Air Base, Angeles, Pampanga. RNT