Kapag lumala ang sitwasyon, DOLE handang ilikas ang mga OFW sa SoKor

Kapag lumala ang sitwasyon, DOLE handang ilikas ang mga OFW sa SoKor

February 27, 2020 @ 1:05 PM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bagamat wala namang apektadong Filipino Overseas Workers (OFWs) sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea ay nakahanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa posibilidad na repatriation.

 

Siniguro ni Labor Secretary Silvestre Bello na patuloy ang kanilang monitoring sa sitwasyon sa SoKor kung saan tumataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 doon.

RELATED ARTICLE: Travel ban sa SoKor ipinag-utos na ng gobyerno dahil sa COVID-19

Ayon sa kalihim, magandang balita na walang OFW ang apektado ng virus sa SoKor.

 

Paliwanag ni Bello, wala pang humihiling ng repatriation sa Sokor kaya wala pang plano ang gobyerno para pauwiin ang mga OFWs.

RELATED ARTICLE: Mga kondisyon sa SoKor travel ban, inisa-isa ni Duque

Sa kabila nito, pinayuhan ni Bello  ang mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa na makipag-ugnayan sa pamahalaan o embahada ng SoKor  hangga’t may banta ng COVID-19.

 

 

Pinaalalahanan din ng kalihim ang mga OFWs na sumunod sa mga paalala upang makaiwas sa naturang virus. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...