Kapag retirado na: supervisor ng security guards, gustong trabaho ni Pangulong Duterte

Kapag retirado na: supervisor ng security guards, gustong trabaho ni Pangulong Duterte

July 9, 2018 @ 11:05 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Maging supervisor ng mga security guard ang gustong maging trabaho ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa oras na magretiro na siya sa kanyang trabaho.

Sa edad na 73 at may apat na taon pa sa panunungkulan bilang Pangulo ng bansa ay pabirong sinabi nito na mahusay kasi siya sa patayan ng mga magnanakaw kaya’t supervisor ng mga security guard ang gusto nya kapag hindi na siya Pangulo ng bansa.

“Kung gawain ninyo ako empleyado when I retire, maybe you just give me about supervisor sa security guard. ‘Yung patayan ng magnanakaw, mas mahusay ako diyan,” ang joke ng Pangulo.

Inamin niya na wala siyang talent at sobrang hate niya ang arithmetics.

Noong nag-aaral pa aniya siya ay sobra siyang nage-enjoy sa kanyang mga subjects na Physics, Geometry.

“I used to fly when I was young. But itong Calculus pati itong Trigonometry, ‘yan o maski algebra, once you start with the alphabet and the numbers, diyan na magka l****-l**** ang buhay natin. 2b=3b. ‘Wag mong haluin ‘yang alphabet pati arithmetic, kay pag pinaghalo mo ‘yang dalawa, naloko na. Sinong nakakaintindi niyan, 2c=y, pati ‘yung “y” pinakialaman, nandoon na sa dulo ng daigdig,” ayon sa Pangulo.

Sinabi ni Pang. Duterte na matuto naman siya kung nais niyang matuto.

Iyon nga lamang, ang problema ay tamad sa pigura at mahina aniya sa mga numero.

But more or less I can calculate, but ‘yung approximation lang. Hindi talaga ‘yung exact,” aniya pa rin.

Ang Pangulong Duterte bago naging Pangulo ng bansa ay isang abogado na naging kongresista, bise-alkalde at alkalde ng Davao. (Kris Jose)