Kapakanan ng mga Filipino war veteran, ‘di isasantabi – PBBM

Kapakanan ng mga Filipino war veteran, ‘di isasantabi – PBBM

October 20, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi isasantabi ng administrasyong Marcos ang  kapakanan Filipino war veteran.

Sa naging pagdalo ni Pangulong Marcos  sa paggunita ng ika-78 Leyte Gulf Landing Anniversary sa Mc Arthur Leyte Landing Memorial National Park sa  Palo, Leyte, sinabi nito na  walang sapat na kabayaran ang maaaring maibigay sa mga Filipino war veteran kaugnay ng ipinamalas nitong katapangan nuong Japanese occupation.

Dapat lamang alalahanin magpakailanman ng mga Pilipino ang ipinakitang kabayanihan ng mga beterano na aniya’y nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan.

“They who have fought and died in and for this land will have their names forever etched in the pages of history,” ayon sa Pangulo.

Hindi na aniya kailanman mabubura sa kasaysayan ang ipinamalas na kabayanihan ng mga beterano kapalit ng kalayaang tinatamasa ngayon ng mga filipino, may  78 taon na ang nakakaraan.

Salamat ayon sa Pangulo sa sakripisyong ibinuhos ng  mga beterano na kanyang binansagang “best of Filipinos.”

Binanggit din ng Pangulo na bagamat dating magka-away ay nakakatuwang magkaibigan na ngayon ang Pilipinas at Japan sa kabila ng anomang mga differences o pagkaka-iba sa nakaraan.

““This government will always continue to look after the welfare of our war veterans. For as we commemorate on this hallowed ground sanctified by the blood, the life, and the sacrifices of our brave veterans, we cannot allow our memories to lapse. We must always remember that this was the best of Filipinos,” wika nito.

“We can never truly repay the price they paid for their gifts of peace and freedom, but we can honor their heroism and their memory by continuing the great work that they had begun,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, binigyang diin naman ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkilala sa Leyte Gulf Landings bilang paalala sa “human and economic cost of wars.”

“Domestically, we will strengthen our peace-building efforts, especially in conflict-affected areas. Externally, we will continue to pursue the enhancement of our relations with our neighbors towards ensuring security and addressing global issues such as facilitating post-pandemic growth and addressing climate change,” ang pahayag ng Pangulo.

Giit nito ang pangangailangan na matuto mula sa mga pangyayari noong World War II.

“Seventy-eight years ago, these shores were witness to the horrors and bloodshed brought by the worst mankind could bring. Now, we revisit its sands and wash them anew with the goodness that we are all capable of,” ayon sa Pangulo.

“We can achieve this by engaging in constant dialogue, by collaborating in mutually beneficial endeavors, and by harnessing our collective strengths to foster goodwill, cooperation, and trust among our peoples,” aniya pa rin. Kris Jose