Kapalaran ng Anti-Terrorism Law ilalabas na – SC

Kapalaran ng Anti-Terrorism Law ilalabas na – SC

December 8, 2021 @ 7:55 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Isasapubliko na ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kapalaran ng Anti- Terrorism Law.

Ito ay matapos pagbotohan na ng mga mahistrado ang mga petisyon laban sa ATL  sa sesyon nila nitong Martes, Disyembre 7.

Gayunpaman sinabin ni Supreme Court Public Information Officer Chief Atty. Brian Keith Hosaka hindi muna mailalabas ang resulta ng deliberasyon at botohan ng mga hurado dahil kinakailangang pang i-tally ang boto ng bawat mahistrado dahil sa maraming isyu na niresolba sa kaso.

Ayon kay Hosaka, ilalabas nila sa lalong madaling panahon sa media at publiko ang accurate summary ng aksyon ng Korte Suprema sa Anti-Terror law case. Teresa Tavares