Kapalaran ng LOONA, namemeligro nga ba?

Kapalaran ng LOONA, namemeligro nga ba?

September 29, 2021 @ 3:15 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

SOUTH KOREA – Usap-usapan ngayon sa social media, lalo na ng mga Orbits na nangangamba, kung namemeligro nga ba ang powerful Kpop group na LOONA?

Ito ay makaraang maglabas ng report ang website na Sports World, na nagkakaroon umano ng financial trouble ang kanilang agency na Blockberry Creative.

Ayon pa sa report, mula umano sa iba’t ibang source nila sa industriya, ay may utang na daan-daang Korean won ang ahensiya mula sa external contractors nito.

Matitindi ang binitawang kataga sa report, pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ang mga fans, at publiko ng official statement mula sa agency kung ano nga ba ang totoong lagay ng grupo.

Habang wala pang kumpirmasyon, biro ng ilang fans, magpapamisa at magpapa-nobena na lang muna sila. RNT


  •  
  •  
  •