Kapangyarihan ng Ben&Ben alay bilang protesta sa Nuezca shooting

Kapangyarihan ng Ben&Ben alay bilang protesta sa Nuezca shooting

December 23, 2020 @ 2:33 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Nagsisilbi ka dapat.”

Ito ang lirikong bahagi ng inilabas na protest song ng Ben&Ben na pinamagatang “Kapangyarihan.”

“Akala niyo ba, ang kapangyarihan, ay nasa inyo? [Sino] ba kayo?” #StopTheKillingsPH #JusticeForGregorioFamily #EndPoliceBrutalityNow,” saad ng Ben&Ben sa Facebook.

“Magwawagi ang katotohanan / ang kadiliman, ay ibabagsak / nagsisilbi ka dapat / nagsisilbi ka dapat,” lahad pa sa liriko.

Maaalalang gumimbal sa bansa ang video ng pagpatay ni PSMSgt. Jonel Nuezca sa 52-anyos na si Sonya Gregorio at 25-anyos na anak sa Tarlac noong December 20. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...