Kapangyarihan sa VAT suspension, tapyas-presyo sa gas sa national emergency ibibigay sa Pangulo

Kapangyarihan sa VAT suspension, tapyas-presyo sa gas sa national emergency ibibigay sa Pangulo

July 22, 2021 @ 10:49 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inihihirit sa Senado ang pagbibigay-kapangyarihan sa Pangulo na babaan ang presyo ng produktong petrolyo o suspendihin ang ipinapataw na value-added tax (VAT) sa gitna ng national emergency o state of calamity.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2320 na ipinanukala ni Senator Imee Marcos, nakasaad dito ang kapangyarihang nabanggit na maaaring igawad sa Pangulo ng bansa pero may limitasyon ang pagpapatupad dito na hindi lalagpas ng isang taon.

Layon nito na matulungan ang mamamayan sa kinahaharap na sitwasyon.

“The higher cost of goods and services that are, in part, due to the uptick of fuel prices, are expectedly passed on to the ordinary consumer who may still be unemployed but has no choice but to deal with the rising prices of everyday essential commodities,” ani Marcos sa panukala.

“In view of the current economic and employment situation of the country resulting from the COVID-19 pandemic, there is a need to give some relief to the ordinary Filipino and ensure that they are able to survive and recover during this pandemic,” dagdag pa niya. RNT


  •  
  •  
  •