Kapatid ni ‘Black Panther’ na si Shuri, magkakaroon ng sariling komiks

Kapatid ni ‘Black Panther’ na si Shuri, magkakaroon ng sariling komiks

July 19, 2018 @ 8:43 AM 4 years ago


 

New York – Inanunsiyo ng Marvel comics na magkakaroon na ng sariling komiks ang tech genius na kapatid ni ‘Black Panther’ na si Shuri.

Ito ay matapos maging matagumpay ang unang release ng ‘Black Panther’ ngayong taon kung saan pinahanga ni Shuri ang mga fans sa kaniyang mga astig na imbensyon gamit ang makabagong teknolohiya.

Ayon sa Marvel Comics, ang spin-off series ay magsisimula sa October, kung saan mawawala si ‘Black Panther’ dahil sa isinagawang misyon nito sa kalawakan na magiging dahilan para pamunuan ni Shuri ang kanilang mythical home nation na Wakanda.

“The world fell in love with Shuri in the movie. Now, the Black Panther’s techno-genius sister launches her own adventures,” sabi ng publisher bilang kumpirmasyon ng balita.

Ang British-Guyanese na aktres na si Letitia Wright ay umani ng papuri sa kaniyang pagganap bilang Shuri sa patok na patok na pelikula kung saan inamin ng mga kritiko na ang pelikula ay isang napagandang pagkakataon para sa mga black na bumida sa silver screen.

Kahit hindi si Shuri ang unang black heroine sa Marvel universe, hindi madalas nagkakaroon ng isang libro na nakasentro lamang sa isang black na babaeng karakter.

Susulat sa libro na ‘Shuri’ ay si Nigerian-American sci-fi author Nnedi Okorafor. Kasalukuyan rin siyang sumusulat ng “Wakanda Forever” series na nakasentro sa Dora Milaje, ang all-female special forces unit sa Wakanda.

Ayon sa Box Office Mojo, ang ‘Black Panter’ ay nagkaroon ng mahigit sa $1.34 billion, dahilan para makapuwesto ito sa ika-siyam na all-time box office list. (Remate News Team)