Kapatid ni Neil, tinawag na sinungaling si Rabiya!

Kapatid ni Neil, tinawag na sinungaling si Rabiya!

February 24, 2023 @ 2:45 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nagsilbing imbitasyon ang guesting ni Rabiya Mateo sa Fast Talk with Boy Abunda para mag-react ang umano’y kapatid ng dating nobyo sa mga pahayag ng beauty queen-turned-actress.

Nagpakilala itong Nhel Skie, kapatid ni Neil Salvacion.

Ayon mismo kay Rabiya, pitong taon ding tumagal ang kanilang relasyon.

Hindi raw kasi tinanggap ni Rabiya ang alok nitong kasal sa dahilang hindi pa raw siya handa.

Bilang breadwinner daw ng pamilya ay marami pa siyang mga pangarap na nais matupad.

Kabilang dito ang natupad nang pagpupundar niya ng bahay para sa ina at pagpapaaral sa kapatid.

Inalmahan ni Nhel Skie ang mga pahayag na ito ni Rabiya partikular ang sinasabi nitong rejection sa kasal.

Ani Nhel, “Nakooo, ate. There’s always an option: to answer the question truthfully or spill the tea with a fib.”

Ipinaalala ni Nhel Skie na hindi totoong ni-reject ni Rabiya ang proposal ng kapatid dahil sa katunayan, tinanggap daw nito ang engagement ring mula kay Neil.

Suot-suot pa nga raw ito ni Rabiya nang lumaban sa Miss Universe.

Dagdag pa ni Nhel, masuwerte raw si Rabiya dahil ayaw patulan ng kanyang kapatid ang mga kasinungalingan nito.

Ibinisto pa ni Nhel ang ginawang kasalanan ni Rabiya during the Miss Universe pageant na inamin nito.

Hindi binanggit ni Nhel kung anong kasalanan ‘yon.

Sinaliksik ng PEP ang impormasyon ni Nhel Skie sa Facebook.

Napag-alamang isa itong ICU nurse sa Iloilo City.

Si Neil ay nurse din kaya posibleng may kapatid na babae ito na pareho ng propesyon.

Binisita rin ng PEP ang Facebook account ni Neil at natuklasang nasa listahan nito si Nhel Skie.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Rabiya. Ronnie Carrasco III