Kapatid ni Pokwang, hindi boto sa asawa, nabawasan ang ayuda!

Kapatid ni Pokwang, hindi boto sa asawa, nabawasan ang ayuda!

January 13, 2022 @ 12:01 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Hindi maitago ang sama ng loob na nararamdaman ni Pokwang sa kanyang mga kapatid.

Bumaha ng emosyon ang panayam ni Ogie Diaz sa komedyana.

Mula’t sapul daw kasi’y hindi boto ang kanyang mga kapatid sa kanyang partner, si Lee o’Brian.

Kesyo bakit daw ang lalaking ‘yon ang pinili niyang kasamahin?

Pero katwiran ni Pokwang, kailangan naman daw nya ng katuwang sa buhay.

Buhat din daw kasi nang nagsama sila’y nabawasan ang tulong pinansyal ni Pokwang sa kanyang mga kapatid.

Pero depensa niya, pamilyada nga naman siya. Never din daw siya nagkait ng tulong sa mga ito kung kaya rin lang niya.

Ayaw lang daw ni Pokwang na pinangungunahan siya sa tuwing umuurot ang mga kapatid.

Madalas din daw kasing ikumpara ng mga ito ang ilang taong tinutulungan ni Pokwang gayong minsanan lang naman daw ‘yon.

Sa bandang huli’y mangiyak-ngiyak na ipinagtapat ni Pokwang na anuman daw ang mangyari’y never niyang matitiis ang kanyang mga kapatid.

Only that she wishes that her siblings refrain from fighting each other, at sa halip ay magsuportahan na lang. Ronnie Carrasco III