Kapayapaan, hiling ni Francis sa ika-10 taong anibersaryo bilang Santo Papa

Kapayapaan, hiling ni Francis sa ika-10 taong anibersaryo bilang Santo Papa

March 14, 2023 @ 12:10 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sa pagdiriwang ng kanyang 10 taon bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, inalala ni Pope Francis ang kanyang pagkakahalal sa isang podcast para sa opisyal na outlet ng Vatican News.

Sinabi ng Santo Papa na kapayapaan ang gusto niyang regalo sa ika-10 taong anibersaryo niya kung saan wala siyang plano maliban sa isang misa kasama ang cardinals.

“Peace. We need peace,” sabi ni Francis.

Nahalal si Jorge Bergoglio na Papa noong Marso 13, 2013, matapos yanigin ng kanyang hinalinhan na si Benedict XVI ang mundo sa pamamagitan ng pagiging unang Papa na nagbitiw mula noong Middle Ages.

Sinabing hindi niya inaasahan na mahalal, ngunit nagkaroon siya ng isang pangitain, at babaguhin ang pamamahala ng Simbahan sa susunod na dekada kabilang ang paglilinis ng mga aklat ng Vatican at pag-aksyon laban sa pang-aabuso ng mga pari sa bata.

Binago rin niya ang pang-unawa ng maraming tao sa papacy sa pamamagitan ng hindi gaanong pakikilahok sa teolohiya at higit pa sa mga isyung panlipunan.

Hinahangad niyang makabuo ng imahe ng isang mas bukas, mahabagin na Simbahan kahit na pinapanatili ang tradisyonal na doktrina sa mga isyu tulad ng aborsyon at gay marriage.

Sinabi ng Italian priest Father Roberto, na naglakbay sa Saint Peters Square upang marinig ang mensahe ng Papa sa kanyang weekly Angelus prayer na: “He is a Pope for this time.”

“He managed to grasp today’s needs and to propose them to the whole universal Church… And now he’s giving the Church a push forward for the years to come. He is sowing good for the future.”

Gayunman, pinuna ni German Cardinal Gerhard Mueller ang “doctrinal confusion” ng Papa.

Si Francis ay hindi kailanman umiwas sa kontrobersiya, regular na ginagamit ang kanyang pulpito upang idaing ang lahat mula sa mafia hanggang sa consumerism at arm industry.

Tinuligsa ng Papa ang pagkakasangkot ng lahat ng “dakilang kapangyarihan” sa digmaan sa Ukraine.

Regular siyang nananalangin para sa mga biktima ng digmaan, bagama’t binatikos siya dahil sa paninisi sa Russia bilang aggressor.

Naghangad din ang Santo Papa na mapabuti ang ugnayan sa Islam sa panahon ng kanyang pagka-Papa, at si Sheikh Ahmed al-Tayeb, ang dakilang imam ng prestihiyosong Al-Azhar mosque ng Cairo, ay isa sa mga nagpadala ng kanilang pagbati sa kanyang 10-year milestone. Jocelyn Tabangcura-Domenden