Kape t’wing umaga, nakasasama

Kape t’wing umaga, nakasasama

August 10, 2018 @ 8:05 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Nakasanayan na ng mga Pinoy na gamiting pampagising sa umaga ang kape ngunit alam niyo ba, ayon sa science, hindi ito ang tamang oras para sa pag-inom ng kape.

Ayon sa isang registered dietician na si Laura Cipullo, ang kinaugaliang pag-inom ng kape pagkabangon sa umaga ay ang nagiging sanhi ng pagkanerbyos pagsapit ng tanghali. Pero hindi ang kape o ang caffeine ang may sala, kundi ang isa sa hormones sa ating katawan na tinatawag na cortisol.

Kilala din ito bilang ā€œstress hormoneā€ at dahil nasa mataas na level ang ating cortisol paggising sa umaga, ang pagkonsumo ng anumang pagkain na mayroong caffeine ay nagpapadagdag lamang sa dami ng cortisol na magiging sanhi ng labis na pagkataranta at nerbyos.

Ang mga oras na nasa peak level ang cortisol ng karamihan ng mga tao ay nasa pagitan ng 8-9 ng umaga, 12-1 ng haponĀ  at 5:30-6:30 ng hapon kaya sa mga oras na ito ay ā€œnaturally caffeinatingā€ na ang ating katawan.

Kaya ang payo ng mga doktor, uminom na lamang ng kape kapag ang katawan ay gumagawa ng mas kaunting cortisol, mga tatlo hanggang apat na oras pagkagising at sa mga oras na nabanggit. Remate News Team/Intern,Ā Coleen Sheikha Fabro