Kapitan del baryo todas sa ambush sa Bulacan

Kapitan del baryo todas sa ambush sa Bulacan

July 2, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


Bulacan- Kalunos-lunos ang sinapit ng isang kapitan del baryo matapos pagbabarilin sa loob ng sasakyan niya ng dalawang lalaking naka-jacket sa gilid ng kalasada sa bayan ng San Miguel.

Kinilala ang biktima na si Marvin Avendaño y Villa Señor,48,may-asawa kasalukuyang kapitan ng Brgy.San Jose ng naturang bayan.

Sa report ni San Miguel chief of police PLTCOL Jayson San Pedro,tinambangan ng mga lalaking naka-itim na jacket at naka-camouflage ang biktimang lulan ng Nissan Navara pick up bandang alas-9:50 ng gabi nitong Hunyo 30 sa Brgy. Buliran.

Ayon kay PSSg Mark Gil Cruz,papauwi na ang biktima galing sa isang birthday party nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek na nag-abang sa gilid ng kalsada sa naturang lugar.

Ayon naman sa nakalap na impormasyon,sinabayan ng mga suspek ang mga putok ng fireworks sa di-kalayuan nang pagbabarilin ito sa loob ng sasakyan.

Sinasabing matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Patuloy naman ang pangangalap ng ebidensiya at imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III