Kapitan huli sa Surigao City buy-bust

Kapitan huli sa Surigao City buy-bust

January 21, 2022 @ 9:48 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ang isang kapitan ng barangay sa ikinasang buy-bust operation sa Surigao City, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Caraga (PDEA-13).

Kinilala ang suspek na si Barangay Captain Luther Elumba ng Togbonon.

Sinabi sa ulat na naaresto si Elumba sa kanyang lugar at nasa ilalim ng klasipikasyon ng high-value target.

Nakumpiska kay Elumba ang dalawang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P15,000.

Bukod pa rito, nasabat din ang hindi lisensyadong 9mm Daewoo pistol na may 10 live ammunition at magazine.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10591 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. RNT/FGDC