Kapitan na namaril sa MSWD employee, sumuko

Kapitan na namaril sa MSWD employee, sumuko

October 2, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


JONES, ISABELA – Posibleng nakonsensya kung kaya’t sumuko na ang Baranggay Captain na namaril sa isang kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) kay Mayor Nhel Montano ng Jones, Isabela.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station, kinilala ang biktima na si Emerson Mallabo, 30 anyos, habang ang suspek ay kinilala na si Baranggay Kapitan Agustin Labugen na kapwa residente ng Payac ng nasabing bayan.

Nag-ugat ang nasabing insidente ng pamamaril matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawa noong Setyembre 30 sa Baranggay Payac, Jones, Isabela.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa ilong, sa balikat, sa kamay, at mukha ang biktima at nakatakda itong operahan bukas sa Southern Isabela Medical Center (SIMC).

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda na ang kaso laban sa kanya. Rey Velasco