Kapitan sa Isabela todas sa pananambang

Kapitan sa Isabela todas sa pananambang

October 17, 2020 @ 7:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Isabela, Philippines-Kumpirmadong patay sa pananambang ang isang barangay kapitan matapos pagbabarilin sa bahagi ng Barangay Pag-asa, Echague, Isabela.

Nakilala ang biktimang si Barangay Kapitan Ricardo Mencias, nasa tamang edad, may-asawa at residente ng Camarao, Cordon, Isabela na sakay ng kanyang Sport Utility Vehicle nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek.

Naganap ang pamamaril kay Barangay kapitan Mencias Barangay Annafunan, Echague partikular sa daan na papuntang Barangay Pag-asa, Echague, Isabela.

Tinamaan sa mukha na tumagos sa kanyang batok mula sa hindi pa mabatid na uri ng baril na naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.

Agad nagtungo ang mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives sa pinangyarihan ng pamamaril para magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Ayon sa kaanak ng biktima ay nagpaalam na pupunta sa Alfonso Lista, Ifugao para ibigay ang sahod ng isa nilang tauhan doon at hindi nila alam ang kanyang sadya sa Echague, Isabela.

Wala umano silang alam na motibo sa pagpatay sa naturang dahil wala silang alam na kanyang nakaaway dahil nasa huling termino na nito bilang barangay kapitan.

Hanggang sa ngayo’y blangko pa rin ang pulisya ng Echague sa pananambang sa biktima. REY VELASCO


  •  
  •  
  •  

Loading...