KAPITAN, TESORERA SABIT SA P6.6M PONDO NG BARANGAY

KAPITAN, TESORERA SABIT SA P6.6M PONDO NG BARANGAY

September 16, 2020 @ 12:17 AM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

KAPAG nagpatuloy sa pagmamatigasan sina Barangay Dolores Kapitan Allan de Leon at ang Barangay Treasurer nito na si Olivia Adriatico, malamang kapwa masususpinde ang mag-among ito dahil sa hanggang ngayon ay hindi nila maipaliwanag kung kaninong bulsa napunta ang P6.6M na pondo ng barangay noong 2019.

Kaya hayan agarang suspensyon ang inirekomenda ng Commission on Audit kung patuloy na magmamatigas ang dalawang barangay official ng Barangay Dolores, Tatay, Rizal, iyan na nga ba ang sinasabi ko, hindi malaman kung saan na napunta at kung ano ang pinagkagastusan ng mga mag-among ito sa P6.6 milyon pondo ng barangay noong 2019?

Aba’y ang balita ko ay patuloy na nagmamatigas ang mga ito na magsumite ng kanilang dokumento na magpapatunay na hindi nila nilustay ang P6.6 milyon na pondo ng kanilang barangay.

Pinagpapaliwanag din ng COA ang officer-in-charge ng Taytay Municipal Accounting Office na si Carina Arabit ukol sa kung ano ang aksyong ginawa ng kanilang tanggapan at rekomendasyon,

Sa ulat ng COA, lumabas na noong taong 2019, nagpalabas ang kanilang tanggapan ng Notice of Suspension ng auditing procedure para sa nawawalang P5,312,610.89 na pondo ng Barangay Dolores.

Ang tanong, nasaan na nga ba ang pondo na ‘yan ng Barangay Dolores? Nasaan at kaninong mapagpalang bulsa napunta ang P6.4 milyon? Kung hindi kina Kap. Allan at Tesurera Adriatico, sinong ulol ang kukuha nito?

Hindi lang ‘yan, iniimbestigahan na rin ng COA ang mga kwestiyunableng disbursement ng Barangay, Cash Advance at Petty Cash and Reimbursements ni Kapitang Kupit…este Allan.

Kinakalikot din ng COA kung nasaan na rin napunta ang P1,069,546.36 na halaga ng transaksyon dahil nasilip nila ang kaduda-dudang datos nito at kawalan ng tamang inspection report na galing sa local na COA.

Marami pala kayong dapat ipaliwanag, Chairman Allan at Tres. Adriatico.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o jusandesabog48@gmail.com.


  •  
  •  
  •  

Loading...