Kapos sa players na Hornets wagi vs Hawks

Kapos sa players na Hornets wagi vs Hawks

December 6, 2021 @ 2:19 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi naging hadlang para sa Charlotte Hornets ang kakulangan ng apat nilang star players na nakaliban ngayon dahil sa COVID-19 nang lapain  nila ang Atlanta Hawks, 130-127, sa State Farm Arena sa NBA game .

Iniangat nina Miles Bridges sa 32 puntos at Kelly Oubre Jr. sa 28 pts ang hindi paglalaro nina LaMelo Ball, Terry Rozier, Mason Plumlee at Jalen McDaniels na nagmula sa NBA G-League.

Umangat ang Hornets sa 14-11 at pang-anim puwesto subalit tatlong laro lang ang hahabulin sa numero uno Brooklyn Nets (16-7) sa mahigpit na Eastern Conference.

 Sa iba pang laro, anim na sunud-sunod na panalo ang naitala ng  Houston Rockets at pinatahimik ang New Orleans Pelicans, 118-108.  Parehong nagsumite ng tig-23 puntos sina Christian Wood at Eric Gordon at nilundagan na nila ang Oklahoma City Thunder (6-16) at Pelicans (7-19).

Isang linggo pa bago magbalik laro ang Fil-Am rookie na si Jalen Green dahil sa injury sa hita.

Kinulang pa rin ang Cleveland Cavaliers sa paghahabol sa  Utah Jazz,  109-108, para sa kanilang ika-apat na sunod na pagwagi sabay putol ng apat na sunod na panalo ng Cavs.

Walong Jazz lang ang ginamit sa pangunguna ni Donovan Mitchell na may 15 ng kanyang 35 puntos sa first quarter pa lang at Bojan Bogdanovic na may 16 puntos habang pitong puntos si Jordan Clarkson na minsan naglaro sa Cavs mula 2018 hanggang 2019.

Wagi naman ang Toronto Raptors sa bisitang Washington Wizards, 102-90.  Uminit si Pascal Siakam para sa 31 puntos.JC