Kapuso, nag-offer kay Sam, drawing lang!

Kapuso, nag-offer kay Sam, drawing lang!

November 3, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tila may finality sa sinabi ni Sam Milby na mananatili siya sa ABS-CBN.

Aniya, hangga’t kailangan daw siya ng network ay hindi siya lilipat sa iba.

Tinatanawan daw ni Sam ng malaking utang na loob ang kung anuman siya ngayon, having been introduced in Pinoy Big Brother in 2005.

So far, may mga TV assignments pa siyang natatanggap sa kabila ng ilang unfortunate events na kinakaharap ng network.

Bukod sa kawalan ng prangkisa ay nabanggit din ni Sam ang naudlot na partnership sana ng ABS-CBN at TV5.

Malaki raw sana ang maitutulong niyon sa aniya’y kawawang network.

Samantala, inamin ng kampo ng aktor na inoffer-an sila ng GMA.

Pero hanggang alok lang daw ang naganap, walang transaksyon.

Isa lang daw ang tiyak, mahabang panahon pa raw siyang mananatiling Kapamilya as per contract.

In a separate news, Sam prefers not to work with his girlfriend Catriona Gray kahit sa pelikula.

Totoo raw na may mga offers sa kanila pero mataas daw ang pagpapahalaga nila sa privacy ng kanilang relasyon.

Tiyak daw kasing makakalkal ang personal nilang buhay na hangga’t maaari daw ay gusto niyang manatiling sa kanila lang at hindi for public consumption. Ronnie Carrasco III