Karagdagang batas sa women’s rights, gender equality itinutulak ni Rep. Roman

Karagdagang batas sa women’s rights, gender equality itinutulak ni Rep. Roman

March 14, 2023 @ 10:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kasunod ng selebrasyon ng Women’s Month, nanawagan si Bataan Rep. Geraldine Roman sa Kongreso na magpasa ng dagdag na batas para sa women’s rights at gender equality.

“We must ensure that we will be able to pass laws that will at least mitigate, if not eliminate, discrimination in all its forms. We need to develop ideas and continue the momentum for the future while strengthening partnerships with diverse groups of stakeholders which is what the committee is doing now,” pahayag ni Roman sa kanyang privilege speech sa Plenary Session kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Month.

Ayon kay Roman, na siyang Chairman ng House Committee on women and gender equality na mangangalap ito ng mga innovative solutions para tulungan ang mga kababaihan.

“It is noteworthy that the fight for women’s rights has evolved into a more expansive fight for gender justice in that it now behooves that everyone, regardless of age, civil status, socio­ economic class, ethnicity, SOGIESC, religious beliefs, etc., must respect and recognize the fundamental right of all human beings to live and to co-exist with others. This recognition should not only remain in theory but must be put into practice. We must walk the talk,” pahayag ni Roman na siyang kauna-unahang transgender woman na naluklok sa Kamara.

Sinabi ni Roman na bagama’t kinikilala na ang gender equality at women’s right ay aminado itong marami pa ring kaso ng harassment sa mga kababaihan kaya naman patuloy ang Kongreso sa pakikipaglaban para matiyak na mapoprotektahan ng batas ang mga kababaihan.

“Today, and every day, we are very happy to honor the tremendous achievements of women, gender-diverse people and those who identify as women because we have made great progress in the direction of gender equality. However, we still need to move forward to empower women in all areas and in all facets of human life,” ani Roman.

“Ang mabuhay ng may kasiguruhan sa ating mga karapatan bilang babae ay isa sa mga pundasyon ng isang matatag na lipunan. Alam natin nakapag ang mga kababaihan at other minorities ay di nakakasabay sa iba, mahihirapan tayong makamtan ang pagkakapantay-pantay sa lipunan. Because the fight for gender equality has to be intersectional, inclusive and solidarious,” pagtatapos nito. Gail Mendoza